Ang larawang ito ay kuha sa episodyong pinamamagatang .. hulaan niyo nga kung ano .. HAIRCUT! Ang hirap hulaan 'di ba? Ngayon, ang episodyong ito ang magsisilbi nating bean-tana upang masilip ang nakaraan.
*Para sa kaunting impormasyon ukol sa kasaysayan ng Mr. Bean: The Animated Series at patunay na pumatok ito hindi lamang sa ibang bansa kung pati sa Pilipinas, bisitahin ang mga link na ito: http://www.commonsensemedia.org/tv-reviews/mr-bean-the-animated-series (isang pagtataya sa palabas), http://en.wikipedia.org/wiki/Mr._Bean_(animated_TV_series) (kasaysayan), http://www.youtube.com/watch?v=GESBK1dVHmo (pagpapatunay na kilalang-kilala ng mga Pilipino si Mr. Bean at natutuwa pa rin sa kanya hanggang ngayon).
Heto ang video ng palabas na ating susuriin:
Mr. Bean: The Animated Series "Haircut"
Unahin na nating pansinin ang pagiging maarte ni Mr. Bean sa kanyang buhok. Ano ang sinasalamin nito sa lipunan noon (ang "noon" na tinutukoy natin ay ang panahon nang inilunsad ang palabas na ating sinusuri) na ating ginagalawan? Ang malaking pagpapahalaga sa itsura, sa istilo ng buhok. Alam ni Mr. Bean na ilalabas ang kanyang larawan sa dyaryo, kung kaya't dapat ay maayos siya rito. Kumbaga, dapat perpekto ang lahat, lalo na ang buhok. Nakakatawa man ito sa unang tingin, ngunit ito ang totoo. Makikita pa nga ito sa reaksyon ni Mrs. Wicket na pinagkatuwaan si Mr. Bean dahil sa kanyang pagiging kalbo at doon sa reporter na kinakailangan pang gumamit ng peluka upang matakpan ang kanyang panot na ulo. Napakalaki ng pagpapahalaga ng lipunan noon sa itsura ng buhok kaya naman sari-saring istilo ang mga nagsilabasan.
Sa mga babae pa lamang ito, wla pa iyong sa mga lalaki. Hindi naman masama ang parating pagbago sa itsura ng buhok, ngunit minsan ay sumosobra na ang iba, tulad ng nangyari kay Mr. Bean. Dahil hindi siya makuntento sa kanyang buhok, tuloy ay nakalbo niya ang kanyang sarili nang hindi niya napapansin. Sa realidad, napakalaki ng ginagastos na pera ng iba upang mapanatili lamang ang magandang buhok at makisunod sa uso. Anupa't kahit saan ka tumingin, malaking pera ang kinakailangan sa isang serbisyo para sa buhok.
Hindi naman natin masisisi ang ating sarili kung bakit tayo nagkaganito, kung bakit ganoon na lamang ang pagpapahalaga natin sa buhok. Hindi tayo maaaring magpabaya dahil halos batas na ito ng lipunan. Kung hindi ka susunod, magagaya ka sa babaeng ito. http://www.thedailybeast.com/articles/2012/08/02/gabby-douglas-takes-two-olympic-golds-and-hair-criticism.html
Kaugnay nito, masasabi natin na ang lipunang noon, lalo na ang lipunang Pilipino, ay mahilig makisunod sa uso at laging naghahanap ng bago. Dahil nga rito ay madali tayong napupukaw ng mga banyagang palabas tulad na lamang ng Meteor Garden. Sa palabas na Haircut, naging uso ang gupit ni Mr. Bean na may pusa sa ulo. Sa totoo lamang, hindi ito "matuwid". Pangit ang gupit hindi ba? Parang metapora ito ng nangyayari sa lipunan. Kung ano ang uso, iyon ang susundin kahit na hindi "matuwid". Halimbawa nito ay ang pagiging uso ng napakaiikling shorts para sa kababaihan ngayong bagong milenyo. Para sa akin, hindi ito magandang pangitain. Hindi ba natin napapansin na lalong tumataas ang mga kaso ng panggagahasa kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga babae na nagpapakita ng mas maraming balat?
Isa pang masasalamin sa Haircut ay ang karakter ng mayamang matandang babae. Tila sinasabi nito na sa lipunan, kung sino ang may kapangyarihan at pera ay kayang kontrolin ang balita. Hindi ba't naging pangunahing balita si Mr. Bean sa dyaryo kahit na nakasagip lamang siya ng pusa? Tingnan ang larawang ito na isang screenshot mula sa http://www.youtube.com/watch?v=gevTmyWtHVo:
Ang naturang video ay naghahain ng mga anomalya na may kinalaman sa kaso ng Hacienda Luisita at tila binabanggit nito na may kinikilingan ang balitang ating natatanggap.
Sa huli, pagmunihan natin ang totoong layon ng Mr. Bean: The Animated Series. Layunin nito na mapatawa ang manonood sa pamamagitan ng pagpresenta kay Mr. Bean at ng kanyang mga "katangahan". Sa lipunan natin, madalas nating pinagtatawanan ang mga taong nakagagawa ng kamalian, kahit na minsan ay hindi naman sinasadya. Imbes na ituro natin ang tama, na tulungan ang nagkamali, tumatawa lamang tayo. Tayo ay nagwawalang-bahala. Gusto niyo ba ng konkretong halimbawa? Baka mainis kayo, pero sige, heto ang halimbawa niyo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento